Showing posts with label polomolok. Show all posts
Showing posts with label polomolok. Show all posts

Friday, February 19, 2010

telebabad


dalawang gabi pa lang tayong babad na babad sa telepono. tatawa, mag-aaway, tapos may magsosorry. pabalik-balik na usapan. may subtle sexual tension totoong pagkakaibigan, ramdam sa bawat salitang binibitawan.

 pero dahil panandalian kang nagself-exile, tatlong gabi akong makakapagpahinga bilang callboy. hanggang sa muli nating pag-uusap. ;)

Tuesday, February 16, 2010

*&%#%@*&

alam nyo ba na noong high school ako ay inaway ako ng bonggang-bongga ng aking teacher? take note, Home Economics teacher ko lang sya nung persyear pa ako pero fourth year na nya ako inaway. hindi ko alam kung bakit. siguro dahil may pagka maangas din ako pero kebs. pinagbintangan nya akong magnanakaw ng test paper. whatever, matalino ako (pagbigyan nyo ako, kailangan ko magmayabang ngayon. haha) at hindi ni minsan nasagi sa isip ko ang krimen na 'yon at alam ng buong klase na mabait ako at bruhilda talaga ang teacher kong 'yon

kaya kagabi, laking tuwa ko nang nakakuha ako ng picture ng hinayupak kong titser mula sa source ko na hindi ko na papangalanan. hanggang ngayon, kinamumuhian, kinasusuklaman at kina-what-have-you ko pa rin sya. 


osang, paki-tira nga ang titser na to. ito ang hindi dapat tinutularan na teacher e!




pakyu na lang muna! you don't look pretty in pink.

Wednesday, February 3, 2010

perya


pyesta na naman sa poland*. may perya ulit. masaya. maraming tao, maraming rides, maraming balut at popcorn, at maraming jologs at jologettes. kung hindi ko pinagdrive ang mama at ang kapatid kong babae, hindi siguro ako makakapunta ng perya. hindi naman kasi ako mahilig sa rides at hindi ako kailanman natuwa sa loob ng perya.

alam ng mga close friends ko kung bakit hindi ako naaaliw sa ferris wheel at iba pang rides. takot ako sa heights. sa totoo lang, hindi ko trip ang pool na may slides. hindi rin sumagi sa isip ko na mag-zipline. at ito pa, takot pa rin ako hanggang ngayon na bumaba gamit ang escalator. nakakahiyang aminin pero totoo. 


mas humina ang tuhod ko nang nakita ko ang ride na ito sa perya. hindi ko alam anong tawag nila dito. basta kailangan nakatayo ang sasakay at iiikot ka ng bonggang-bongga diagonally. 'di bale na lang. mas gugustuhin ko pang mahulog sa'yo ng ilang ulit. naks, humirit pa.

*poland ang term namin sa polomolok para hindi masyadong mabantot pakinggan. 

Monday, February 1, 2010

top 13


kapag tinatanong ako kung taga san ako, gensan ang sinasagot ko. kasi naman pag sinabi kong polomolok, marami pang follow-up questions sigurado. nondescript kasi e. home to pineapples ang pinanggalingan ko; nandito kasi ang DOLE Philippines. kahit anong layo ng tingin mo, pinya at pinya lang lahat ang matatanaw mo. 
pero kahit pa pinupulot lang kahit saan ang pinya dito sa amin, never ko itong nagustuhan. never din itong nasali sa top 10 favorite fruits ko, o kahit top 12. ewan ko. hindi ko alam kung bakit. mas masarap pa rin ang durian, apple, at melon. kaya naman kahit anong gawin mong pagpapainggit sa akin, hindi ko kailanman sasabihing 'patikim ng pinya mo!'

Saturday, January 30, 2010

bless me father..


nagsimba ako kanina kasama ang buong pamilya. 30 minutes bago ang misa, nasa simbahan na kami. nakakapanibago, hindi ako sanay na tumatambay ng matagal sa simbahan. biglang may lumapit sa akin at nagtanong kung pwede ba daw ako ang magbasa ng second reading kasi daw hindi makakarating ang reader. ok lang naman na magbasa ako (ahem) kaya lang, sinabi ko agad sa babae na hindi ata bagay ang damit ko dahil naka t-shirt lang ako. 'di bale na lang daw, ok naman daw mukha ko (melon)!

nag-umpisa na nga ang misa. tapos na rin ang task ko. at habang nakikinig ako sa homily ng pari, naisip ko... hindi ata pwede na gwapong-gwapo ang pari. mahirap yung ganon diba? nakakadistract yun sa mga nagsisimba, lalo na sa mga sakristan, lay ministers, at readers. hindi na makikinig sa homily at isang oras na tulala ang drama. ganyan ang drama ng katabi ko - ang 1st reader. hay. 

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails