Showing posts with label pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label pag-ibig. Show all posts

Monday, February 22, 2010

bentedos


extraordinary ang araw na ito. una, dahil ngayong araw na 'to ako pinakamaagang nagising magmula nang gumraduate ako ng college. 6:30 ng umaga, gising na ako. naglaro na agad ang utak ko na sinabayan naman ng kanang kamay ko. bahala na kayong mag-isip jan. natigilan din ako agad pagtingin ko sa kalendaryo. 22 pala ngayon! at yun na nga, pangalawa sa dahilan kung bakit extraordinary ang araw na 'to ay dahil eksaktong isang taon na akong single. 

p.s.: hindi ko na po sinali ang mga nagdaang relasyon sa loob ng isang taon na umabot lamang ng utmost dalawang linggo.

Monday, February 15, 2010

bugarette


isang linggo na akong hindi nakakahithit. achievement yun simula nang matuto akong malulong sa bisyong 'to. pero 3rd year college naman na ako nagsimula kaya keri pa. 
tinanong nga ako sa formspring.me account ko kung gano ako kalakas mag-yosi. ang sagot ko depende. kasi naman, pag nasa bahay, mas gugustuhin ko pa ang magporn movie kesa mag-yosi. kapag umiinom lang, napaparami ako at hindi naman madalas ang inuman ngayon so keri pa rin. at kapag nagdadrama sa pag-ibig, hindi ko na binibilang ang nayoyosi ko. saksi ang bedsheet ko na ginagawa kong ashtray sa mga kadramahang 'yon.


buga lang ng buga!

Friday, February 5, 2010

KOR-OHH!-NA-DAL


pumunta ulit ako sa koronadal city kanina. tumambling, nag-cartwheel, at kung anu-ano pa. mahal ko ang koronadal. dito ko unang nadiskubre ang mga hindi ko dapat nadiskubre sa buhay. dito ko unang naranasan ang mga bagay na hindi dapat nararanasan ng isang dies y sais anyos na bata (ehem). at dito, dito ako namulat sa katotohanan. (ang mga linyang ito ay pandagdag lamang sa drama ng blog na 'to.) 

pagkatapos ng limang taon, malaki na ang pinagbago ng koronadal. masaya na ang nightlife. dabest na ang edifices at iba pang establishments (lalo na ang bagong building ng BIR, DepEd at City Hall). may bonggang resorts na. mura lang ang sine; promise, mas mahal pa ang siopao kaysa sa sine. pero isa lang ang hindi nagbabago sa lugar, ang tricycle nila. hindi ko rin alam kung bakit. 

Friday, January 29, 2010

aida marie


galing dito ang picture.

gusto ko sanang gumawa ng sariling version kagaya ng nasa larawan kaso ano, strict ang parents ko. nanonood ako ng local tv patrol kanina nang nasaksihan ko ang balitang umabot na pala ng 21 ang positibo sa AIDS sa GenSan. nakakaalarma. hindi na nga tama ito. pero naman kasi, ano... masarap ang bawal. hay.
maging ligtas. iwas-iwas lang kay aida marie. at maging faithful. ayun o. 

Saturday, December 12, 2009

game!


 

isang araw din akong nagself-exile sa lugar na ito. maraming pumasok sa aking isipan habang nilalaro ko ang aking... tsinelas sa buhangin. pero isa sa pinakapinag-isipan ko ay ang bumabagabag na isyu sa pag-ibig. 
oo, hindi na uso ang seryosohan ngayon. kaya naman, mas gugustuhin ko na lang magseryoso sa paglalaro. 
let the games begin!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails