Wednesday, February 3, 2010

perya


pyesta na naman sa poland*. may perya ulit. masaya. maraming tao, maraming rides, maraming balut at popcorn, at maraming jologs at jologettes. kung hindi ko pinagdrive ang mama at ang kapatid kong babae, hindi siguro ako makakapunta ng perya. hindi naman kasi ako mahilig sa rides at hindi ako kailanman natuwa sa loob ng perya.

alam ng mga close friends ko kung bakit hindi ako naaaliw sa ferris wheel at iba pang rides. takot ako sa heights. sa totoo lang, hindi ko trip ang pool na may slides. hindi rin sumagi sa isip ko na mag-zipline. at ito pa, takot pa rin ako hanggang ngayon na bumaba gamit ang escalator. nakakahiyang aminin pero totoo. 


mas humina ang tuhod ko nang nakita ko ang ride na ito sa perya. hindi ko alam anong tawag nila dito. basta kailangan nakatayo ang sasakay at iiikot ka ng bonggang-bongga diagonally. 'di bale na lang. mas gugustuhin ko pang mahulog sa'yo ng ilang ulit. naks, humirit pa.

*poland ang term namin sa polomolok para hindi masyadong mabantot pakinggan. 

6 comments:

erwinator said...

Sus sayang... lilibrehin pa sana kita MagZipline. hahaha

SOIEBEANS said...

ay sauce! white water rafting na lng sa cdo! haha

Diwata said...

bongga... gusto ko ang poland. sosyal.

SOIEBEANS said...

tara, diwata. itry mo ang rides dito!

paps said...

naranasan ko na sumakay dyan sa paikot na iyan. nawala na sa star city ang rides na yan. sayang

SOIEBEANS said...

paps, punta kang poland. meron pa dito. haha

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails