Saturday, January 30, 2010

bless me father..


nagsimba ako kanina kasama ang buong pamilya. 30 minutes bago ang misa, nasa simbahan na kami. nakakapanibago, hindi ako sanay na tumatambay ng matagal sa simbahan. biglang may lumapit sa akin at nagtanong kung pwede ba daw ako ang magbasa ng second reading kasi daw hindi makakarating ang reader. ok lang naman na magbasa ako (ahem) kaya lang, sinabi ko agad sa babae na hindi ata bagay ang damit ko dahil naka t-shirt lang ako. 'di bale na lang daw, ok naman daw mukha ko (melon)!

nag-umpisa na nga ang misa. tapos na rin ang task ko. at habang nakikinig ako sa homily ng pari, naisip ko... hindi ata pwede na gwapong-gwapo ang pari. mahirap yung ganon diba? nakakadistract yun sa mga nagsisimba, lalo na sa mga sakristan, lay ministers, at readers. hindi na makikinig sa homily at isang oras na tulala ang drama. ganyan ang drama ng katabi ko - ang 1st reader. hay. 

Friday, January 29, 2010

aida marie


galing dito ang picture.

gusto ko sanang gumawa ng sariling version kagaya ng nasa larawan kaso ano, strict ang parents ko. nanonood ako ng local tv patrol kanina nang nasaksihan ko ang balitang umabot na pala ng 21 ang positibo sa AIDS sa GenSan. nakakaalarma. hindi na nga tama ito. pero naman kasi, ano... masarap ang bawal. hay.
maging ligtas. iwas-iwas lang kay aida marie. at maging faithful. ayun o. 

havaianas


bilang patunay na hindi pa ito porn site. 

liban sa gold metallic, tsinelas ko lahat ang nasa picture (at otentik yan lahat). ewan kung bakit nakiuso ako dati sa fever ng havaianas. kung tutuusin e tsinelas lang naman yan ng mga taga-harvest ng kape sa brazil. pinoy kasi ako, gaya-gaya. kasalanan to lahat ni brad pitt. 'di ba? 
ngayon, in good condition pa naman ang lahat ng yan 'nga lang, nabura na ang designs kakagamit. ayos lang, pwede pa rin 'to sa beach at sa tumbang preso. haha. 
hindi na ako bibili ng bago. hingi na lang ako kay korina. :)

Monday, January 25, 2010

I heart BT





inuman ng BT* nang kinuha ko ang picture na 'to. sabi nga namin, hindi naman talaga ang alak at yosi ang nagpapasaya sa amin, instrumento lamang ang mga ito dahil mas lumalabas ang pagiging masayahin at totoo namin pag may alak. ang nakakalungkot lang, watak-watak na ang BT ngayon. ang iba ay busy na sa kani-kanilang mga trabaho. at ako, stranded sa bahay. kaya naman abstain muna ako sa yosi at alak. miss ko na ang BT (ang tawanan at ang asaran)--- more than the alak and the yosi. :(



*ang BT ay ang mga superfriends ko way back college.

Sunday, January 24, 2010

hubad na katotohanan




hindi  pa po nagshishift into porn site ang site kong ito. promise, kahit pa gustong-gusto ko ng maging porn site 'to. haha. ganito kasi 'yon, may dalawang nakakahiyang katotohanan akong gustong sabihin sa inyo:


1. ang hawak-hawak kong boxer's (at ang iba pang boxer's at briefs) ay hindi ako ang naglalaba. opo, ngayong nakabalik na ako sa bahay, may tagalaba po uli ako ng aking undies. nakakahiya pero totoo.pero nung nag-aaral pa ako, ako naman po ang naglalaba, unless aksidenteng nasasali ang mga ito sa pinapalaundry ko. :)


2. ang aking kama. sabi ng kapatid kong naabutan akong natutulog, tagalog na daw ako kung magsleeptalk. owkamown! dati english 'yon e. haha. hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga kagaguhang ito. dahil ba sa taga-batangas na panay ang tawag sa akin sa telepono o dahil sa blog na 'to? ewan. at least hindi pa german, diba?

Thursday, January 21, 2010

segue

 

san makakabili ng tee na 'to? gusto ko to, gustong-gusto.
feeling ko kasi, sa ilang araw kong patambay-tambay, patumbling-tumbling, pahiga-higa at pa-you-know-na, naisip kong nagiging selfish na ako masyado. hindi ko man lang pinapasa ang mga application letters na piniprint ko. wala, wala akong silbi sa pamilya ko. 
WEH! melon lang yan. ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong bilhin ang tee na 'yan. ;)


yosi no more?

 

for the first time ay isasali ko ang sarili ko picture.
ako yan, 4th year (1st sem), pagkatapos ng psychology class. siguro nga nakakabuwang ang klaseng 'yon kaya medyo baliw ang dating ko sa picture. scripted ang picture at yosi lang ang tanging binili ko -- the rest ay props!
sabi ko sa twitter, 4 years from now, i see my self not smoking anymore. totoo, 'yan ang gusto kong mangyari. sabi ni Dr. Eligio (hindi po sya medical doctor, PhD sya), dapat by 25, wala na akong bisyo lalo na ang yosi. achievement 'yan diba?


Wednesday, January 20, 2010

MARIA O!




adik ata ang langit at ayaw nang palabasin ang haring araw. gloomy, kumbaga.
sa ganitong mga pagkakataon, gusto kong bumalik sa dati kong kwarto sa boarding house. pambihira, wala kaming paki kahit bumagyo pa sa labas. ang mahalaga, nasa loob kami at masayang-masaya sa panonood ng videos. miss na kita maria ozawa. :(

Tuesday, January 12, 2010

muni-muni




alam ko, hindi white sand 'yan. sa GenSan kasi ako napadpad --- nnagmuni2, nagself-debate, at nagdesisyon. hindi pwedeng mangyari ang gusto kong mangyari. and i cannot afford another compromise. hindi na pwede, mauubos uli ang tissue pag nangyari yun. memorize na ni ron ang linya (halimbawa: mahal kita, pero hindi ko maamin-amin sa'yo dahil duwag ako, duwag! di bale ng mamatay akong martyr! [for the melons]) ko sabay pahid ng luha. nakakapagod. nakakapagod na!

Saturday, January 9, 2010

kapote blues




hindi naman talaga ako madaling magalit, alam mo yun.
ang ayaw ko lang ay ang pinapakialaman ang mga gamit ko. sa susunod, sabihin mo kung gusto mo ng condom. marami pa ako, nakatago lang. bibigyan kita, huwag mo lang galawin ang dalawang condoms na dala-dala ko lagi. sentimental yan, pre. :(
hindi ko nga yan ginamit kahit emergency na masyado e.
hindi ako galit, naiiinis lang.

Thursday, January 7, 2010

natapos din!


 
dumating na nga ang gabing matagal kong pinaghandaan, ang 21st birthday ko.



  
ang vegetable salad ang isa sa pinakamabenta sa mga nakahanda. 




at ang appetizer na 'to ang pinakananlinlang sa mga tao. hipon kasi, akala nila ground beef. 


 
 buhay pa si piggy sa mga panahong ito, kinabukasan, lechon na ang drama nya sa mesa. 



masaya naman ang birthday ko. gusto ko araw-araw birthday ko. kaso sabi ni mama, nakakabutas daw ng bulsa ang ganitong birthday. pambihira maarte ang anak nya. 


happy new year sa inyo!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails