Showing posts with label yosi. Show all posts
Showing posts with label yosi. Show all posts

Saturday, March 27, 2010

hardsss



hindi na nga ako batang redhorse, ibig sabihin nyan, hindi na ako bata. malaki na ako. nagtitipid na! haha. kaya nabubuhay na lang sa gilbey's at lime at tanduay. yaak. pero masarap naman, mababa na rin ang tolerance ko sa beer e.




walang konek ang larawan sa pagiging lasenggo ko. pero kadalasan lately, pag di ko na kayang uminom, may tagasalo na. haha.

Friday, February 26, 2010

sayang


dahil hindi ako nakadalo sa rocKEumentary* (at first time ever kong umabsent sa UP event na 'to), naisipan kong magkaroon ng sarili kong version sa bahay. bumili ako ng GPS, yosi at syempre pa, nagpatugtog ako ng acoustic music sa laptop ko. perfect! pero iba pa rin pag nandun ka, nakiki-jam kasama ang mga kaibigan. 

*ang rocKEumentary ay isang acoustic night na inoorganisa ng Kappa Epsilon Fraternity and Sorority. dito nagkikita-kita ang mga tumutugtog, lasenggo at mahilig bumuga. 

Monday, February 15, 2010

bugarette


isang linggo na akong hindi nakakahithit. achievement yun simula nang matuto akong malulong sa bisyong 'to. pero 3rd year college naman na ako nagsimula kaya keri pa. 
tinanong nga ako sa formspring.me account ko kung gano ako kalakas mag-yosi. ang sagot ko depende. kasi naman, pag nasa bahay, mas gugustuhin ko pa ang magporn movie kesa mag-yosi. kapag umiinom lang, napaparami ako at hindi naman madalas ang inuman ngayon so keri pa rin. at kapag nagdadrama sa pag-ibig, hindi ko na binibilang ang nayoyosi ko. saksi ang bedsheet ko na ginagawa kong ashtray sa mga kadramahang 'yon.


buga lang ng buga!

Thursday, February 11, 2010

murahan




sa iskul ko noon, may tambayan ang mga bugarets at posers --- kina ate ling. isa lamang itong maliit na tindahan pero doon madalas tumatambay ang mga nagtatago sa mga mata ng office of the student affairs dahil sa smoking ban. kung hindi man nagyoyosi o tumatagay ang mga tao sa kina ate ling, tiyak tulog sila. 


maynard


elton

ako

pero nung last sem ko na sa skul, biglang may umiksena na sa lugar. mga studyante din -- persyear architecture -- na parang pumasok sa skul para kumuha ng hangin at ipasok ito sa ulo. airhead kung airhead. at ganito sila mag-usap:

arki1: putang-inang shet pare, kulang pa ang tulog ko.
arki2: fuck pare, pareho lang naman tayo. tang-inang draft kasi yon e, shet masyado.
(tapos may barkada pa silang t-bird na sisingit)
arki3: kaya nga mga dude, bat kasi nagshat pa tayo kagabi, 'ta nyo tuloy, inumaga ako sa plates ko. tang-inang-shit naman to o.
all: tang-inang-shetness-fuck-you-dude naman o!

ganyan sila mag-usap. mas marami pa ang mura kaysa sa pandiwa, pang-abay at pang-uri. promise, umiiinit ang ulo ko sa kanila.

Monday, January 25, 2010

I heart BT





inuman ng BT* nang kinuha ko ang picture na 'to. sabi nga namin, hindi naman talaga ang alak at yosi ang nagpapasaya sa amin, instrumento lamang ang mga ito dahil mas lumalabas ang pagiging masayahin at totoo namin pag may alak. ang nakakalungkot lang, watak-watak na ang BT ngayon. ang iba ay busy na sa kani-kanilang mga trabaho. at ako, stranded sa bahay. kaya naman abstain muna ako sa yosi at alak. miss ko na ang BT (ang tawanan at ang asaran)--- more than the alak and the yosi. :(



*ang BT ay ang mga superfriends ko way back college.

Thursday, January 21, 2010

yosi no more?

 

for the first time ay isasali ko ang sarili ko picture.
ako yan, 4th year (1st sem), pagkatapos ng psychology class. siguro nga nakakabuwang ang klaseng 'yon kaya medyo baliw ang dating ko sa picture. scripted ang picture at yosi lang ang tanging binili ko -- the rest ay props!
sabi ko sa twitter, 4 years from now, i see my self not smoking anymore. totoo, 'yan ang gusto kong mangyari. sabi ni Dr. Eligio (hindi po sya medical doctor, PhD sya), dapat by 25, wala na akong bisyo lalo na ang yosi. achievement 'yan diba?


Tuesday, January 12, 2010

muni-muni




alam ko, hindi white sand 'yan. sa GenSan kasi ako napadpad --- nnagmuni2, nagself-debate, at nagdesisyon. hindi pwedeng mangyari ang gusto kong mangyari. and i cannot afford another compromise. hindi na pwede, mauubos uli ang tissue pag nangyari yun. memorize na ni ron ang linya (halimbawa: mahal kita, pero hindi ko maamin-amin sa'yo dahil duwag ako, duwag! di bale ng mamatay akong martyr! [for the melons]) ko sabay pahid ng luha. nakakapagod. nakakapagod na!

Sunday, July 26, 2009

masasarap na puwet


puwet lamang ng yosi ang maaaring magpasaya aking mga labi.
totoo. promise.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails