Showing posts with label mindanao. Show all posts
Showing posts with label mindanao. Show all posts

Wednesday, February 3, 2010

perya


pyesta na naman sa poland*. may perya ulit. masaya. maraming tao, maraming rides, maraming balut at popcorn, at maraming jologs at jologettes. kung hindi ko pinagdrive ang mama at ang kapatid kong babae, hindi siguro ako makakapunta ng perya. hindi naman kasi ako mahilig sa rides at hindi ako kailanman natuwa sa loob ng perya.

alam ng mga close friends ko kung bakit hindi ako naaaliw sa ferris wheel at iba pang rides. takot ako sa heights. sa totoo lang, hindi ko trip ang pool na may slides. hindi rin sumagi sa isip ko na mag-zipline. at ito pa, takot pa rin ako hanggang ngayon na bumaba gamit ang escalator. nakakahiyang aminin pero totoo. 


mas humina ang tuhod ko nang nakita ko ang ride na ito sa perya. hindi ko alam anong tawag nila dito. basta kailangan nakatayo ang sasakay at iiikot ka ng bonggang-bongga diagonally. 'di bale na lang. mas gugustuhin ko pang mahulog sa'yo ng ilang ulit. naks, humirit pa.

*poland ang term namin sa polomolok para hindi masyadong mabantot pakinggan. 

Thursday, November 26, 2009

hustisya


 patuloy akong nakikiisa sa mga taong walang ibang hangad ngayon kundi ang agarang hustisya para sa mga biktima ng maguindanao massacre. ito ang tunay na laban!

Monday, November 23, 2009

tensyon


(medyo bata pa kami ni anj nung naisipan naming mag-unwind sa seawall sa davao. hindi kami nag-queensland, promise. wholesome kami that time.)
sana lahat ng problema pwedeng ipasok sa loob ng bote at palutangin sa dagat.
naalarma ako bigla sa balita sa tv --- pre-election tension sa maguindanao. hindi naman bago ang eksena. naaawa lang ako sa mga inosenteng nadamay at madadamay pa sa mga kaguluhan na kung tutuusin ay sa kanila lang dapat. 
Bro, pakitulungan ang bansa namin.. please?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails