Showing posts with label havaianas. Show all posts
Showing posts with label havaianas. Show all posts

Friday, January 29, 2010

havaianas


bilang patunay na hindi pa ito porn site. 

liban sa gold metallic, tsinelas ko lahat ang nasa picture (at otentik yan lahat). ewan kung bakit nakiuso ako dati sa fever ng havaianas. kung tutuusin e tsinelas lang naman yan ng mga taga-harvest ng kape sa brazil. pinoy kasi ako, gaya-gaya. kasalanan to lahat ni brad pitt. 'di ba? 
ngayon, in good condition pa naman ang lahat ng yan 'nga lang, nabura na ang designs kakagamit. ayos lang, pwede pa rin 'to sa beach at sa tumbang preso. haha. 
hindi na ako bibili ng bago. hingi na lang ako kay korina. :)

Tuesday, August 11, 2009

otentik

ako: miss, kahit ba Filipinas ang tsinelas na 'to, gawa pa rin sa Brazil?
tindera: oo sir. nirequest yan for Philippinne Independence Day this year.
ako: sure ka miss? (parang hindi makapaniwala)
tindera: sure sir. limited edition yan.
ako: (di na nakareact, agad binunot ang pitaka)

at ito na nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinutukso pa rin ako ng aking mga kapatid --- dahil daw parang sa overpass ko lang binili ang lintik na tsinelas na to. huh.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails