Tuesday, December 15, 2009

usapang beerday

 

"Colin Estrellada asks.. whatttabout 21st bdays!?!?!? what's with getting 21? huh? P.S. bawal magcomment c Vince Amorio. puh-lease!"


yan mismo ang status message sa fb ng kaibigan kong si colin. bawal pala akong magcomment ha, e di nag-wall ako sa page nya. diba naman? at yan na nga ang takbo ng usapan namin. usapang posers.





ala-ala


 

ako ang batang nakaparty-hat, 2 years old pa ako. 1st beerday yan ng kaibigan ko, ang nakabrip na bata na may hawak na curly tops. 

 after 17 years, nakita ko ulit ang batang yan, nakabrip pa rin. 
at ako, nakaakbay pa rin sa kanya. :)
peace bata!


Saturday, December 12, 2009

game!


 

isang araw din akong nagself-exile sa lugar na ito. maraming pumasok sa aking isipan habang nilalaro ko ang aking... tsinelas sa buhangin. pero isa sa pinakapinag-isipan ko ay ang bumabagabag na isyu sa pag-ibig. 
oo, hindi na uso ang seryosohan ngayon. kaya naman, mas gugustuhin ko na lang magseryoso sa paglalaro. 
let the games begin!


Friday, December 11, 2009

cebu, masarap!


pagkatapos ng labinlimang taon, nakabalik ulit ng cebu. sa pagbalik ko, di na kasama ang mama at lola --- mga kaibarkada ko na ang kasama ko. masaya. parteyyy here, parteyyy there. halik dito, halik doon. as in. iba ang mga tao sa cebu --- liberated pero ubod ng bait. warm kumbaga.

isa rin sa mamimiss ko sa cebu ay ang mga masasarap na pagkain.ang mga larawan sa baba ay ilan lamang sa mga pinapak namin sa cebu. 


 

  

  

  


ang sarap sa cebu. pati na rin ang mga taga cebu! haha



Tuesday, December 1, 2009

beerday

 
sobrang excited na nga ako para sa 21st birthday ko. soltero de honor, malapit na malapit na. hindi ko pa alam ang gagawin ko. basta excited lang ako. tumatanda na talaga.
imbitado kayo lahat. cheers tayo!


Thursday, November 26, 2009

hustisya


 patuloy akong nakikiisa sa mga taong walang ibang hangad ngayon kundi ang agarang hustisya para sa mga biktima ng maguindanao massacre. ito ang tunay na laban!

Monday, November 23, 2009

tensyon


(medyo bata pa kami ni anj nung naisipan naming mag-unwind sa seawall sa davao. hindi kami nag-queensland, promise. wholesome kami that time.)
sana lahat ng problema pwedeng ipasok sa loob ng bote at palutangin sa dagat.
naalarma ako bigla sa balita sa tv --- pre-election tension sa maguindanao. hindi naman bago ang eksena. naaawa lang ako sa mga inosenteng nadamay at madadamay pa sa mga kaguluhan na kung tutuusin ay sa kanila lang dapat. 
Bro, pakitulungan ang bansa namin.. please?

Friday, November 20, 2009

pakyu


(dahil nga sira pa ang laptop ko, hindi ko magamit ang picture ko doing the f-thing.. kaya humiram ako ng picture mula sa google.)
mabilisan lang to. ayokong ginagago ako. walang ganyanan.

Wednesday, November 18, 2009

datcom

 
 sa UPMin, maraming tambayan ang mga isko at iska. pero alam ko, para sa mga sunog-baga at bugarets, and datcom ang pinakapaborito naming nilang lugar. kaya naman, noong huling binisita ko ang datcom, nag-novemBEER fest ulit ang lahat. lasing kung lasing. hithit dito, hithit doon.

 

gusto ko ulit bumalik sa datcom... and get wet!


Friday, November 13, 2009

tapos!


may tatlong hiling ako sa pasko. pero masakit isipin na isa sa mga hiling ko, malabong matupad. :(
sana pala, roller blades na lang uli ang hiniling ko.

Monday, November 9, 2009

barado


na-tag ako sa picture na 'to sa facebook (paki-click). sabi ko naman sa inyo may facebook ako.
ang cool nito. sana naisipan ko rin dati na lagyan ng liham, na gaya nito, ang cr ng kwarto namin sa boarding house. medyo nag-ooverflow din kasi paminsan ang sahig ng banyo.

Sunday, November 8, 2009

makulay


sepia ang effect ng kuha ko sa mga bulaklak noong nakaraang undas.
wala naman talagang konek masyado ito sa gusto kong sabihin. kasi naman, bigla na lang na-off ang laptop ko habang nagbubuffer pa ang porn video na panonoorin ko sana. ayaw na mag-on hanggang ngayon. tae. pinatapos lang ang thesis ko. pano ang iba kong bisyo?
kailangan ko na ng trabaho. yun yun eh. at sana, hindi kasing dull ng larawan ang future ko. sana masaya ako. sana makulay. sana, may laptop ulit ako. :(

Thursday, November 5, 2009

kiliti



kinikilig ako. kilig. kilig. kilig.
gusto ko ulit bumalik ng davao. davao. davao.

p.s. salamat kay kaibigang hapi sa pagkuha ng picture na 'to.
ikaw pa rin ang best bugaw ng buhay ko.

Tuesday, November 3, 2009

halo-halo

 

masaya na nakakalungkot. masaya dahil tapos na ang buhay-kolehiyo ko. ang larawan sa taas ay bunga ng pagsisikap ko - ang thesis ko. ang nakakalungkot, sa pag-alis ko sa UP Min, sabay din na aalis ang aking adviser.  hindi naman ako ang dahilan ng pag-alis nya. confidential daw (pero alam ko kung bakit).
sayang lang. isa pa naman sya sa pinakamagaling magturo. magiging ganap kang communication scholar kapag naging estudyante ka nya. 
mamimiss kita ma'am jen!


vegetarian


 

sinubukan kong magpaka-vegetarian dati. isang buwan lang ang itinagal ng attempt ko, nung gym animal pa ako. noong huling linggo, nilibre ako ni kenneth sa buffet palace at naisipan kong magpaka-vegetarian ulit. kaya yan... isang platito ng gulay para sa dinner.

 maraming salamat, kenneth! dabest ka pa rin!

Monday, October 26, 2009

TENTeneneng!

 

narinig ata nila ang lahat. pero sure ako hindi nila nakita. sila ang mga batang STI!

*nyawaa*


Friday, October 16, 2009

pool

 

Noong huling nag-pool kami nina ron at kris john, naisipan naming kunan ng picture ang mga bagay na meron kami. Noong nakaraang gabi, tiningnan uli ni ron ang picture. Ang sabi nya, may malalim na meaning pala ang picture --- na related sa aming tatlo.

*tawanan kami*



Friday, October 9, 2009

sana lang po Papa Jesus!



mula dito ang larawan. malapit na matapos ang sem na 'to. ibig sabihin, pag hindi nagloko ang professors ko, matatapos na rin ang buhay-kolehiyo ko. sa lunes, final defense ko na. ang saya-saya.
nangako na ako ng libreng inuman sa mga ka-toma ko. lalo na kay angelie! wish me luck. :)

Tuesday, September 29, 2009

goddess at ondoy


sabi ko last saturday, "i cannot afford to partey myself in torres this evening because of ondoy." 
syempre pa, hindi naniwala ang mga roommates ko. paki ko. e nasa sm ako whole day gumagawa ng social science research namin. umuwi ako10pm at sabi ng roommate ko, GODDESS daw kami. game ako. patay, diba nga hindi dapat pumartey. 



hindi naman partey place ang goddess. chill lang kami. ang mga bote ng inumin sa larawan ay kuha ko sa loob ng goddess. pero goodness, hindi 'yan ang ininom namin. hindi nga pwedeng magpartey diba? umupo sa couch at pasikretong naglasing-lasingan. 



seriously, sana nga matapos na ang paghihirap ng mga nasalanta ni ondoy. :(



Monday, September 28, 2009

mahal ko na sya



kuha ang larawan na 'yan sa white island, camiguin. maganda. tuwing hapon lang lumilitaw ang islang 'yan. masuwerte kami at naabutan namin yan. napakaganda, kahit saan ka lumingon, dagat mode pa rin. 


camiguin. hinahanap-hanap kita.

Friday, September 25, 2009

paru-paru


"huy, asa na ka? mag-quiz baya ta! AVTIK!"
ito mismo ang text na gumising sa akin kaninang umaga, 8:19am. 8:30 ang klase ko at 1 hour away ang bahay ko sa school. oversleeping again. absent sa final quiz ng photography class ko. :(

galing kay paru-paru ang textmessage na yan. siya ang babaeng nasa larawan, tumatakbo sa camiguin ala katorse. natawa ako imbes na magpanic. natawa ako sa AVTIK! pero ganyan naman talaga si paru-paru. lagi nya akong pinapatawa, pramis. kaya naman mamimiss ko talaga sya kung magiging mabait man ang langit sa akin at papalarin akong makapagtapos ngayong sem. sya lang naman kasi talaga ang may nakakahawang tawa. i love you paru-paru. :)

Monday, September 7, 2009

no smoking

napadaan ako sa dati kong boarding house nang biglang pinababa ako ni ken lee sa sinasakyan kong motor. mag-uusap daw kami. melon-melon, melon-melon, papaya. maraming nagbago sa bhaus. una, may bagong upuan na gawa sa kawayan. pangalawa, nawala na ang mga improvised ash trays na gawa sa beer in can. pangatlo, no smoking na daw ang boarding house. seryoso yun.

diba naman? ang sakit non para sa mga boarders. effort ang labas-pasok na eksena. lalo na para kay ken na parang walang baga kung makayosi.

Sunday, September 6, 2009

sandawa crossing

kapag nagmamadali ka, mapipilitan kang sumakay ng taxi. yun nga lang, nakakabwisit minsan lalo na kapag naka 140km/hr na ang takbo at biglang nagredlight sa intersection. badtrip diba?

Monday, August 31, 2009

eks


alam ko. alam kong napakapangit ng larawan. subalit sa likod ng larawang 'yan nakakubli ang isang matamis at makahulugang kwento.

Saturday, August 29, 2009

kakaiba

Minsan lang talaga ako uminom na kasama si papa at ang titos at matatanda kong pinsan. Kaya naman, ganito ang eksena nung huli kaming nag-inuman (10 minutes ago)

papa: siguro ang laban ni pacquiao kay marquez ay magiging exciting...
isang tito: ah oo. sa lahat ata ng laban, kay marquez sya pinaka-nahirapan e.
isang pinsan: pero naman kasi, si pacquiao ay blablabla (ayoko na talagang marinig ang karugtong, pramis!)
isang bisita: si lito lapid nga blablabla (aba, nawala na nga ako sa usapan, lito lapid na ang topic e. ampota)
ako: hehe. (lasing na.)

Friday, August 28, 2009

bukol

pangit ang larawan na yan. cropped. gusto ko lang naman kasi ipakita na hindi sa lahat ng oras ay napipigilan ang pagkanta ng lupang hinirang.

Tuesday, August 25, 2009

Kadayawan

Dahil nga hindi namin nakita ng buo ang indak-indak noong Kadayawan, ang mga tao na lamang na humaharang sa aking paningin ang nagiging subjects ko. Isa lamang ang mag-inang ito sa mga humarang.

Monday, August 17, 2009

dildo

At kung akala nyo notebook, ballpen at laptop na lamang ang dala ng mga isko at iska ngayon, nagkakamali kayo! Nakita ko ang bag na ito habang tumatambay ako sa atrium. Spell n-a-w-i-n-d-a-n-g ang aking drama. Hindi ko kinaya. Napaka-cool ng aking schoolmate na may-ari ng bag na ito.

Tuesday, August 11, 2009

otentik

ako: miss, kahit ba Filipinas ang tsinelas na 'to, gawa pa rin sa Brazil?
tindera: oo sir. nirequest yan for Philippinne Independence Day this year.
ako: sure ka miss? (parang hindi makapaniwala)
tindera: sure sir. limited edition yan.
ako: (di na nakareact, agad binunot ang pitaka)

at ito na nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinutukso pa rin ako ng aking mga kapatid --- dahil daw parang sa overpass ko lang binili ang lintik na tsinelas na to. huh.

Sunday, August 9, 2009

sementeryo blues

galing akong sementeryo, death anniversary ng lolo ko na wala akong idea kung ano ang mukha. pramis. at habang ang lahat ay nagdadasal sa puntod ng lolo, umalis ako at naglaro ng apoy sa kabilang puntod. at ito ang nangyari. sana ay hindi ako multuhin ng mama sa loob nyan.

roxas stopper


ang byaheng ito ang umuubos ng pera ko araw-araw. kaya naman minsan, nanaisin ko pang umabsent na lang sa klase. at last week, hindi nga talaga ako pumasok. sira na ang atay ko kaka-absent. :(

Saturday, August 8, 2009

mandaya fever


siya si mandayette. pareho kaming fan ni mandaya moore-orlis. ang saya. siya ay maka-kulot. ako naman maka-cityboi. malapit na ang pagsibol ng mandaya fans' club.

Friday, August 7, 2009

hagdanan


dito mismo sa hagdanang ito nadulas at nahulog ang malaking bata. hindi naman daw masakit. medyo lang.

Sunday, August 2, 2009

boso

Napansin ko ang mga lalaking ito nang ako ay masagi sa torres. Naintriga ako kung ano ang tinitingnan nila at parang aliw na aliw sila. Yun pala, may sumasayaw na babae sa ibabaw ng mesa. Kita ang kaluluwa nya. Hihi.

Monday, July 27, 2009

tatlong oras matatahimik


Bukas, byaheng-Davao na naman ako. At magiging ganito na naman ang eksena -- ako at ang katabi kong laptop dahil wala na si kaibigang Rea. :(

Sunday, July 26, 2009

kaarawan at kaawaan


kaarawan na naman ni bunso.
syempre pa, gawang Knollman ang tarpaulin na yan.


at kung alam nyo lang, hindi pa nagsisimula ang party ay nagmistulang bahay-ampunan na ang aming bahay. ayan o, caught in the act. sila ang mga kapitbahay namin na laging namimitas ng bunga ng bayabas sa aming bakanteng lote. sa anggulo ng larawan ay hindi naman masyadong kita ang kanilang sipon, gasgas at sugat sa tuhod.


at umuwi ang mga kapitbahay namin na walang bitbit na balloons sapagkat ang party naman talaga ay nasa loob lang ng bahay at ala sais pa ng gabi mag-uumpisa.

*tawang-tawa mode*


sinampay


kani-kanina lang ay umulan ng malakas. wlang sinyales na may parating na ulan. kaya naman hindi ko nakuha ang lahat ng sinampay --- kasali na ang mga panties na ito.

masasarap na puwet


puwet lamang ng yosi ang maaaring magpasaya aking mga labi.
totoo. promise.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails