
kaarawan na naman ni bunso.
syempre pa, gawang Knollman ang tarpaulin na yan.

at kung alam nyo lang, hindi pa nagsisimula ang party ay nagmistulang bahay-ampunan na ang aming bahay. ayan o, caught in the act. sila ang mga kapitbahay namin na laging namimitas ng bunga ng bayabas sa aming bakanteng lote. sa anggulo ng larawan ay hindi naman masyadong kita ang kanilang sipon, gasgas at sugat sa tuhod.

at umuwi ang mga kapitbahay namin na walang bitbit na balloons sapagkat ang party naman talaga ay nasa loob lang ng bahay at ala sais pa ng gabi mag-uumpisa.
*tawang-tawa mode*