Tuesday, June 1, 2010

pagbabago


matagal-tagal akong nawala. maraming nagbago. maraming nawala pero mas maraming nadagdag. hindi boobs. basta marami. isa na dito ang diploma ko. oo, finally ay gumraduate na ako. tapos na ang pagiging iskolar ko. 

working boy na ako ngayon. masaya ang trabaho. walang pressure, puro ngiti at hi-hello lang. may pag-ibig ulit sa trabaho. ayee.

Saturday, April 3, 2010

bitter ulit



sabi nila, when you give the person another chance, you're giving him/her the permission to do the same mistake again? tama ba? 

Sunday, March 28, 2010

time-out muna!


ninakaw ko ang pic dito.

semana santa, tamang-tama ang panahon para magpatawad tayo. pero pasensya na, aking Omnipotent Being, hindi ko kayang gawin ito ngayon, HINDI! hindi ngayon, hindi bukas, hindi ko alam kung kelan. utang na loob, tantanan na sana ako ng mga walang-kwentang tao. 

Saturday, March 27, 2010

hardsss



hindi na nga ako batang redhorse, ibig sabihin nyan, hindi na ako bata. malaki na ako. nagtitipid na! haha. kaya nabubuhay na lang sa gilbey's at lime at tanduay. yaak. pero masarap naman, mababa na rin ang tolerance ko sa beer e.




walang konek ang larawan sa pagiging lasenggo ko. pero kadalasan lately, pag di ko na kayang uminom, may tagasalo na. haha.

Monday, March 15, 2010

haaatdog


matagal-tagal din akong nawala. at hindi pa ako lubusang nagbabalik sa blogosphere. saglit lang to. sa matagal na panahon ng aking pagkawala, gusto ko lang sabihin na panay na ang kain ko ng hotdog. andami kasing foot-long sa labas ng tambayan ko. kainis. pero ayos naman, nasasanay na ako. :)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails