Showing posts with label kabastusan. Show all posts
Showing posts with label kabastusan. Show all posts

Sunday, March 28, 2010

time-out muna!


ninakaw ko ang pic dito.

semana santa, tamang-tama ang panahon para magpatawad tayo. pero pasensya na, aking Omnipotent Being, hindi ko kayang gawin ito ngayon, HINDI! hindi ngayon, hindi bukas, hindi ko alam kung kelan. utang na loob, tantanan na sana ako ng mga walang-kwentang tao. 

Monday, February 22, 2010

bentedos


extraordinary ang araw na ito. una, dahil ngayong araw na 'to ako pinakamaagang nagising magmula nang gumraduate ako ng college. 6:30 ng umaga, gising na ako. naglaro na agad ang utak ko na sinabayan naman ng kanang kamay ko. bahala na kayong mag-isip jan. natigilan din ako agad pagtingin ko sa kalendaryo. 22 pala ngayon! at yun na nga, pangalawa sa dahilan kung bakit extraordinary ang araw na 'to ay dahil eksaktong isang taon na akong single. 

p.s.: hindi ko na po sinali ang mga nagdaang relasyon sa loob ng isang taon na umabot lamang ng utmost dalawang linggo.

Sunday, February 21, 2010

SUPRAAAAAAAAHH!

galing dito ang pic.

iba ang laman ng panaginip ko ngayon. hindi makamundong kahayupan, hindi ikaw, hindi ako na hinahabol ng manananggal. SUPRA shoes, ito ang laman ng aking panaginip. hindi ko alam ang magiging itsura ko pag nagsuot ako nito, ang alam ko lang, gusto kong bumili. hmm. watch out!

Tuesday, February 16, 2010

*&%#%@*&

alam nyo ba na noong high school ako ay inaway ako ng bonggang-bongga ng aking teacher? take note, Home Economics teacher ko lang sya nung persyear pa ako pero fourth year na nya ako inaway. hindi ko alam kung bakit. siguro dahil may pagka maangas din ako pero kebs. pinagbintangan nya akong magnanakaw ng test paper. whatever, matalino ako (pagbigyan nyo ako, kailangan ko magmayabang ngayon. haha) at hindi ni minsan nasagi sa isip ko ang krimen na 'yon at alam ng buong klase na mabait ako at bruhilda talaga ang teacher kong 'yon

kaya kagabi, laking tuwa ko nang nakakuha ako ng picture ng hinayupak kong titser mula sa source ko na hindi ko na papangalanan. hanggang ngayon, kinamumuhian, kinasusuklaman at kina-what-have-you ko pa rin sya. 


osang, paki-tira nga ang titser na to. ito ang hindi dapat tinutularan na teacher e!




pakyu na lang muna! you don't look pretty in pink.

Tuesday, February 9, 2010

gaya-gaya puto-maya



nainggit ako kay siegemalvar, erwinator at petiburges. kaya ngayon, may formspring.me na rin ako. click here. yehey! nasa bandang kanan lang sya ng site na 'to. sasagutin ko ang tanong nyo. oo, pipilitin ko. wala lang pakialamanan sa sagot ko ha? haha

Monday, February 1, 2010

top 13


kapag tinatanong ako kung taga san ako, gensan ang sinasagot ko. kasi naman pag sinabi kong polomolok, marami pang follow-up questions sigurado. nondescript kasi e. home to pineapples ang pinanggalingan ko; nandito kasi ang DOLE Philippines. kahit anong layo ng tingin mo, pinya at pinya lang lahat ang matatanaw mo. 
pero kahit pa pinupulot lang kahit saan ang pinya dito sa amin, never ko itong nagustuhan. never din itong nasali sa top 10 favorite fruits ko, o kahit top 12. ewan ko. hindi ko alam kung bakit. mas masarap pa rin ang durian, apple, at melon. kaya naman kahit anong gawin mong pagpapainggit sa akin, hindi ko kailanman sasabihing 'patikim ng pinya mo!'

Sunday, January 24, 2010

hubad na katotohanan




hindi  pa po nagshishift into porn site ang site kong ito. promise, kahit pa gustong-gusto ko ng maging porn site 'to. haha. ganito kasi 'yon, may dalawang nakakahiyang katotohanan akong gustong sabihin sa inyo:


1. ang hawak-hawak kong boxer's (at ang iba pang boxer's at briefs) ay hindi ako ang naglalaba. opo, ngayong nakabalik na ako sa bahay, may tagalaba po uli ako ng aking undies. nakakahiya pero totoo.pero nung nag-aaral pa ako, ako naman po ang naglalaba, unless aksidenteng nasasali ang mga ito sa pinapalaundry ko. :)


2. ang aking kama. sabi ng kapatid kong naabutan akong natutulog, tagalog na daw ako kung magsleeptalk. owkamown! dati english 'yon e. haha. hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga kagaguhang ito. dahil ba sa taga-batangas na panay ang tawag sa akin sa telepono o dahil sa blog na 'to? ewan. at least hindi pa german, diba?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails