Thursday, November 26, 2009

hustisya


 patuloy akong nakikiisa sa mga taong walang ibang hangad ngayon kundi ang agarang hustisya para sa mga biktima ng maguindanao massacre. ito ang tunay na laban!

Monday, November 23, 2009

tensyon


(medyo bata pa kami ni anj nung naisipan naming mag-unwind sa seawall sa davao. hindi kami nag-queensland, promise. wholesome kami that time.)
sana lahat ng problema pwedeng ipasok sa loob ng bote at palutangin sa dagat.
naalarma ako bigla sa balita sa tv --- pre-election tension sa maguindanao. hindi naman bago ang eksena. naaawa lang ako sa mga inosenteng nadamay at madadamay pa sa mga kaguluhan na kung tutuusin ay sa kanila lang dapat. 
Bro, pakitulungan ang bansa namin.. please?

Friday, November 20, 2009

pakyu


(dahil nga sira pa ang laptop ko, hindi ko magamit ang picture ko doing the f-thing.. kaya humiram ako ng picture mula sa google.)
mabilisan lang to. ayokong ginagago ako. walang ganyanan.

Wednesday, November 18, 2009

datcom

 
 sa UPMin, maraming tambayan ang mga isko at iska. pero alam ko, para sa mga sunog-baga at bugarets, and datcom ang pinakapaborito naming nilang lugar. kaya naman, noong huling binisita ko ang datcom, nag-novemBEER fest ulit ang lahat. lasing kung lasing. hithit dito, hithit doon.

 

gusto ko ulit bumalik sa datcom... and get wet!


Friday, November 13, 2009

tapos!


may tatlong hiling ako sa pasko. pero masakit isipin na isa sa mga hiling ko, malabong matupad. :(
sana pala, roller blades na lang uli ang hiniling ko.

Monday, November 9, 2009

barado


na-tag ako sa picture na 'to sa facebook (paki-click). sabi ko naman sa inyo may facebook ako.
ang cool nito. sana naisipan ko rin dati na lagyan ng liham, na gaya nito, ang cr ng kwarto namin sa boarding house. medyo nag-ooverflow din kasi paminsan ang sahig ng banyo.

Sunday, November 8, 2009

makulay


sepia ang effect ng kuha ko sa mga bulaklak noong nakaraang undas.
wala naman talagang konek masyado ito sa gusto kong sabihin. kasi naman, bigla na lang na-off ang laptop ko habang nagbubuffer pa ang porn video na panonoorin ko sana. ayaw na mag-on hanggang ngayon. tae. pinatapos lang ang thesis ko. pano ang iba kong bisyo?
kailangan ko na ng trabaho. yun yun eh. at sana, hindi kasing dull ng larawan ang future ko. sana masaya ako. sana makulay. sana, may laptop ulit ako. :(

Thursday, November 5, 2009

kiliti



kinikilig ako. kilig. kilig. kilig.
gusto ko ulit bumalik ng davao. davao. davao.

p.s. salamat kay kaibigang hapi sa pagkuha ng picture na 'to.
ikaw pa rin ang best bugaw ng buhay ko.

Tuesday, November 3, 2009

halo-halo

 

masaya na nakakalungkot. masaya dahil tapos na ang buhay-kolehiyo ko. ang larawan sa taas ay bunga ng pagsisikap ko - ang thesis ko. ang nakakalungkot, sa pag-alis ko sa UP Min, sabay din na aalis ang aking adviser.  hindi naman ako ang dahilan ng pag-alis nya. confidential daw (pero alam ko kung bakit).
sayang lang. isa pa naman sya sa pinakamagaling magturo. magiging ganap kang communication scholar kapag naging estudyante ka nya. 
mamimiss kita ma'am jen!


vegetarian


 

sinubukan kong magpaka-vegetarian dati. isang buwan lang ang itinagal ng attempt ko, nung gym animal pa ako. noong huling linggo, nilibre ako ni kenneth sa buffet palace at naisipan kong magpaka-vegetarian ulit. kaya yan... isang platito ng gulay para sa dinner.

 maraming salamat, kenneth! dabest ka pa rin!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails