Showing posts with label koronadal. Show all posts
Showing posts with label koronadal. Show all posts

Friday, February 5, 2010

KOR-OHH!-NA-DAL


pumunta ulit ako sa koronadal city kanina. tumambling, nag-cartwheel, at kung anu-ano pa. mahal ko ang koronadal. dito ko unang nadiskubre ang mga hindi ko dapat nadiskubre sa buhay. dito ko unang naranasan ang mga bagay na hindi dapat nararanasan ng isang dies y sais anyos na bata (ehem). at dito, dito ako namulat sa katotohanan. (ang mga linyang ito ay pandagdag lamang sa drama ng blog na 'to.) 

pagkatapos ng limang taon, malaki na ang pinagbago ng koronadal. masaya na ang nightlife. dabest na ang edifices at iba pang establishments (lalo na ang bagong building ng BIR, DepEd at City Hall). may bonggang resorts na. mura lang ang sine; promise, mas mahal pa ang siopao kaysa sa sine. pero isa lang ang hindi nagbabago sa lugar, ang tricycle nila. hindi ko rin alam kung bakit. 

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails