Saturday, April 3, 2010

bitter ulit



sabi nila, when you give the person another chance, you're giving him/her the permission to do the same mistake again? tama ba? 

Sunday, March 28, 2010

time-out muna!


ninakaw ko ang pic dito.

semana santa, tamang-tama ang panahon para magpatawad tayo. pero pasensya na, aking Omnipotent Being, hindi ko kayang gawin ito ngayon, HINDI! hindi ngayon, hindi bukas, hindi ko alam kung kelan. utang na loob, tantanan na sana ako ng mga walang-kwentang tao. 

Saturday, March 27, 2010

hardsss



hindi na nga ako batang redhorse, ibig sabihin nyan, hindi na ako bata. malaki na ako. nagtitipid na! haha. kaya nabubuhay na lang sa gilbey's at lime at tanduay. yaak. pero masarap naman, mababa na rin ang tolerance ko sa beer e.




walang konek ang larawan sa pagiging lasenggo ko. pero kadalasan lately, pag di ko na kayang uminom, may tagasalo na. haha.

Monday, March 15, 2010

haaatdog


matagal-tagal din akong nawala. at hindi pa ako lubusang nagbabalik sa blogosphere. saglit lang to. sa matagal na panahon ng aking pagkawala, gusto ko lang sabihin na panay na ang kain ko ng hotdog. andami kasing foot-long sa labas ng tambayan ko. kainis. pero ayos naman, nasasanay na ako. :)

Friday, February 26, 2010

sayang


dahil hindi ako nakadalo sa rocKEumentary* (at first time ever kong umabsent sa UP event na 'to), naisipan kong magkaroon ng sarili kong version sa bahay. bumili ako ng GPS, yosi at syempre pa, nagpatugtog ako ng acoustic music sa laptop ko. perfect! pero iba pa rin pag nandun ka, nakiki-jam kasama ang mga kaibigan. 

*ang rocKEumentary ay isang acoustic night na inoorganisa ng Kappa Epsilon Fraternity and Sorority. dito nagkikita-kita ang mga tumutugtog, lasenggo at mahilig bumuga. 

Monday, February 22, 2010

bentedos


extraordinary ang araw na ito. una, dahil ngayong araw na 'to ako pinakamaagang nagising magmula nang gumraduate ako ng college. 6:30 ng umaga, gising na ako. naglaro na agad ang utak ko na sinabayan naman ng kanang kamay ko. bahala na kayong mag-isip jan. natigilan din ako agad pagtingin ko sa kalendaryo. 22 pala ngayon! at yun na nga, pangalawa sa dahilan kung bakit extraordinary ang araw na 'to ay dahil eksaktong isang taon na akong single. 

p.s.: hindi ko na po sinali ang mga nagdaang relasyon sa loob ng isang taon na umabot lamang ng utmost dalawang linggo.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails