Tuesday, September 29, 2009

goddess at ondoy


sabi ko last saturday, "i cannot afford to partey myself in torres this evening because of ondoy." 
syempre pa, hindi naniwala ang mga roommates ko. paki ko. e nasa sm ako whole day gumagawa ng social science research namin. umuwi ako10pm at sabi ng roommate ko, GODDESS daw kami. game ako. patay, diba nga hindi dapat pumartey. 



hindi naman partey place ang goddess. chill lang kami. ang mga bote ng inumin sa larawan ay kuha ko sa loob ng goddess. pero goodness, hindi 'yan ang ininom namin. hindi nga pwedeng magpartey diba? umupo sa couch at pasikretong naglasing-lasingan. 



seriously, sana nga matapos na ang paghihirap ng mga nasalanta ni ondoy. :(



Monday, September 28, 2009

mahal ko na sya



kuha ang larawan na 'yan sa white island, camiguin. maganda. tuwing hapon lang lumilitaw ang islang 'yan. masuwerte kami at naabutan namin yan. napakaganda, kahit saan ka lumingon, dagat mode pa rin. 


camiguin. hinahanap-hanap kita.

Friday, September 25, 2009

paru-paru


"huy, asa na ka? mag-quiz baya ta! AVTIK!"
ito mismo ang text na gumising sa akin kaninang umaga, 8:19am. 8:30 ang klase ko at 1 hour away ang bahay ko sa school. oversleeping again. absent sa final quiz ng photography class ko. :(

galing kay paru-paru ang textmessage na yan. siya ang babaeng nasa larawan, tumatakbo sa camiguin ala katorse. natawa ako imbes na magpanic. natawa ako sa AVTIK! pero ganyan naman talaga si paru-paru. lagi nya akong pinapatawa, pramis. kaya naman mamimiss ko talaga sya kung magiging mabait man ang langit sa akin at papalarin akong makapagtapos ngayong sem. sya lang naman kasi talaga ang may nakakahawang tawa. i love you paru-paru. :)

Monday, September 7, 2009

no smoking

napadaan ako sa dati kong boarding house nang biglang pinababa ako ni ken lee sa sinasakyan kong motor. mag-uusap daw kami. melon-melon, melon-melon, papaya. maraming nagbago sa bhaus. una, may bagong upuan na gawa sa kawayan. pangalawa, nawala na ang mga improvised ash trays na gawa sa beer in can. pangatlo, no smoking na daw ang boarding house. seryoso yun.

diba naman? ang sakit non para sa mga boarders. effort ang labas-pasok na eksena. lalo na para kay ken na parang walang baga kung makayosi.

Sunday, September 6, 2009

sandawa crossing

kapag nagmamadali ka, mapipilitan kang sumakay ng taxi. yun nga lang, nakakabwisit minsan lalo na kapag naka 140km/hr na ang takbo at biglang nagredlight sa intersection. badtrip diba?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails