Monday, August 31, 2009

eks


alam ko. alam kong napakapangit ng larawan. subalit sa likod ng larawang 'yan nakakubli ang isang matamis at makahulugang kwento.

Saturday, August 29, 2009

kakaiba

Minsan lang talaga ako uminom na kasama si papa at ang titos at matatanda kong pinsan. Kaya naman, ganito ang eksena nung huli kaming nag-inuman (10 minutes ago)

papa: siguro ang laban ni pacquiao kay marquez ay magiging exciting...
isang tito: ah oo. sa lahat ata ng laban, kay marquez sya pinaka-nahirapan e.
isang pinsan: pero naman kasi, si pacquiao ay blablabla (ayoko na talagang marinig ang karugtong, pramis!)
isang bisita: si lito lapid nga blablabla (aba, nawala na nga ako sa usapan, lito lapid na ang topic e. ampota)
ako: hehe. (lasing na.)

Friday, August 28, 2009

bukol

pangit ang larawan na yan. cropped. gusto ko lang naman kasi ipakita na hindi sa lahat ng oras ay napipigilan ang pagkanta ng lupang hinirang.

Tuesday, August 25, 2009

Kadayawan

Dahil nga hindi namin nakita ng buo ang indak-indak noong Kadayawan, ang mga tao na lamang na humaharang sa aking paningin ang nagiging subjects ko. Isa lamang ang mag-inang ito sa mga humarang.

Monday, August 17, 2009

dildo

At kung akala nyo notebook, ballpen at laptop na lamang ang dala ng mga isko at iska ngayon, nagkakamali kayo! Nakita ko ang bag na ito habang tumatambay ako sa atrium. Spell n-a-w-i-n-d-a-n-g ang aking drama. Hindi ko kinaya. Napaka-cool ng aking schoolmate na may-ari ng bag na ito.

Tuesday, August 11, 2009

otentik

ako: miss, kahit ba Filipinas ang tsinelas na 'to, gawa pa rin sa Brazil?
tindera: oo sir. nirequest yan for Philippinne Independence Day this year.
ako: sure ka miss? (parang hindi makapaniwala)
tindera: sure sir. limited edition yan.
ako: (di na nakareact, agad binunot ang pitaka)

at ito na nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinutukso pa rin ako ng aking mga kapatid --- dahil daw parang sa overpass ko lang binili ang lintik na tsinelas na to. huh.

Sunday, August 9, 2009

sementeryo blues

galing akong sementeryo, death anniversary ng lolo ko na wala akong idea kung ano ang mukha. pramis. at habang ang lahat ay nagdadasal sa puntod ng lolo, umalis ako at naglaro ng apoy sa kabilang puntod. at ito ang nangyari. sana ay hindi ako multuhin ng mama sa loob nyan.

roxas stopper


ang byaheng ito ang umuubos ng pera ko araw-araw. kaya naman minsan, nanaisin ko pang umabsent na lang sa klase. at last week, hindi nga talaga ako pumasok. sira na ang atay ko kaka-absent. :(

Saturday, August 8, 2009

mandaya fever


siya si mandayette. pareho kaming fan ni mandaya moore-orlis. ang saya. siya ay maka-kulot. ako naman maka-cityboi. malapit na ang pagsibol ng mandaya fans' club.

Friday, August 7, 2009

hagdanan


dito mismo sa hagdanang ito nadulas at nahulog ang malaking bata. hindi naman daw masakit. medyo lang.

Sunday, August 2, 2009

boso

Napansin ko ang mga lalaking ito nang ako ay masagi sa torres. Naintriga ako kung ano ang tinitingnan nila at parang aliw na aliw sila. Yun pala, may sumasayaw na babae sa ibabaw ng mesa. Kita ang kaluluwa nya. Hihi.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails