Monday, July 27, 2009

tatlong oras matatahimik


Bukas, byaheng-Davao na naman ako. At magiging ganito na naman ang eksena -- ako at ang katabi kong laptop dahil wala na si kaibigang Rea. :(

Sunday, July 26, 2009

kaarawan at kaawaan


kaarawan na naman ni bunso.
syempre pa, gawang Knollman ang tarpaulin na yan.


at kung alam nyo lang, hindi pa nagsisimula ang party ay nagmistulang bahay-ampunan na ang aming bahay. ayan o, caught in the act. sila ang mga kapitbahay namin na laging namimitas ng bunga ng bayabas sa aming bakanteng lote. sa anggulo ng larawan ay hindi naman masyadong kita ang kanilang sipon, gasgas at sugat sa tuhod.


at umuwi ang mga kapitbahay namin na walang bitbit na balloons sapagkat ang party naman talaga ay nasa loob lang ng bahay at ala sais pa ng gabi mag-uumpisa.

*tawang-tawa mode*


sinampay


kani-kanina lang ay umulan ng malakas. wlang sinyales na may parating na ulan. kaya naman hindi ko nakuha ang lahat ng sinampay --- kasali na ang mga panties na ito.

masasarap na puwet


puwet lamang ng yosi ang maaaring magpasaya aking mga labi.
totoo. promise.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails